"Ano ka?! Edi mas lalong di ko makakausap yun noh?"
"Iss bahala ka diyan,pag ikaw di gumalaw mauunahan ka"
Ilang beses na nga ba natin narinig ang mga ganitong kataga? Yung tipong nakakarindi na sa tenga at gasgas na sa pandinig. Itong ang mga madalas natin marinig sa mga taong walang tiwala sa sarili nila, yung mga taong pinangungunahan ng kanilang takot at ayun tatahimik na lang sa tabi tapos kapag naunahan andun sa mmay sulok kala mo namatayan ng kapamilya.
Sa totoo lang madali lnag naman ayusin ang ganitong problema sa pag-ibig eh iyon ay lunukin mo yang pride mo (sama mo na yung Ariel para masaya) at harapin mo ang taong nais mong makausap. Sabi nga ni Newton: "A body at rest will remain at rest unless an external force is applied." Yan pati Physics tinuturuan tayo kung papaano magmahal ang ibig sabihin lang naman nito ay wala mangyayare sa pag-dadamoves mo kapag mismong ikaw walang ginagawa? Ano yun? Aasa sa himala? Mga apo, walang himala (credits to Nora Aunor) kaya kung ako sa inyo simulan niyo ng gumalaw.
Sa mga kababaihan na nagbabasa ng blog na 'to kala niyo mga lalaki lang ang mga hanggang tingin? Mali! kasi kayong mga babae ang lubos na dapat nagbabasa nito, ang dahilan? Kasi kayo ay mga babae wala ng ibang dahilan pa.Ang mga babae ay parang gumamelang blooming at dapat kayoý inaalagan pero paano pag kayo ang hindi pinapansin? Paano pag di kayo gumamela kundi bulaklak ng kalabasa? Hanggang tingin lang? ABA! DAPAT HINDI! (Pero pwede din) Sa panahon natin ngayon ang mga hindi gumagalaw ay naiiwan ng oras kaya kayong mga babae dapat agad agad niyong sinasabi 'pag may gusto kayo sa isang lalake,aba malay mo, nag aantay lang kami mag bigay kayo ng motibo o kaya signs para kami ay manligaw kaya dapat galaw galaw din hindi puro kaming mga lalake kasi unfair yun para sa amin.

Iho't iha, walang mangyayare sa mga tumutunganga ano yun hanggang tingin lang? Ayaw niyo bang mapunta sa inyo ang inyong napupusuhan? Kung oo edi move, vamonos! Ang pag-ibig ngayon sa panahon niyo ay unahan, minsan lang dumating ang isang babaeng tunay at maganda o kaya lalaking pogi at hindi bali ang old school ay laos na, tapos na yun eh ano 'to? 80's?! Wag pangunahan ng kaba umamin na kung kailangan,manligaw na kung gusto basta wag ka lang sa mga taong asa tropa ng "Hanggang Tingin"
-Lolo Kiko