Thursday, October 15, 2015

Ang Katotohanan Tungkol kay Lolo Kiko



Habang nagbabasa ng mga tanong mula sa "Mga Katanungan Tungkol sa Pag-ibig" , may nagtanong sa akin ng napakahirap na tanong. Napaisip ako ng napakatagal at gusto ko lang ito ibahagi sa inyo sana nama'y ibigay niyo ang inyong opinyon tungkol dito sa ideya na 'to.


Isang sitwasyon lang ang binigay niya sa akin at ito nga 'yon: ang iyong kasintahan dati ay hanggang ngayon mahal mo pa din pero umalis siya papuntang sa malayong lugar, ngunit biglang nagpakita sa 'yo ang isang taong dati mong minahal pero nawala na pero habang patagal ng patagal nahuhulog uli ang loob mo sa kanya pero alam mo sa sarili mo na mas mahal mo yung taong lumisan. Ngayon, ang tanong, sino ang pipiliin mo? Ang taong malayo sayo pero mahal mo o yung taong malapit sayo na mahal na mahal ka?


Sa unang basa ng tanong alam ko na agad ang sagot ko, yun nga ay ang piliin ang taong malapit sayo dahil siya yung nandiyan para sayo diba? Pero sinabi niya sa akin ang isang napakalaking punto na nakalimutan ko: "Ayaw mo ba yung true love? Iba kasi yung saya na makukuha mo yung taong talagang mahal na mahal mo. Kung ihantulad sa grade? Ano ang gusto mo 85? Pero hindi ba mas masaya kapag 95?" Sa pagbasa nito para akong sinuntok sa sikmura, tama nga siya, bakit ko hindi pinili yung tao kung saan ako mas sasaya kapag nakuha ko siya, hindi ba mas masaya paghirapan at makuha mo ito sa huli?



Sa huli, hindi nagbago ang isip ko pero ang sagot ko sa kanya ay baka ikagalit ng mga tao dahil ang totoo ay isa akong tao na makasarili, ayokong masaktan, ayokong umiyak, ayokong umasa ng paulit ulit. Tapos na ako sa kakaiyak, na masaktan at umasa. Gusto ko maging masaya agad agad, gusto ko na maramdaman din na mahalin dahil tao lang ako, ayokong masaktan; pero ito ay aking opinyon lamang, sa mga tagasubaybay ng aking blog ay sana masabi niyo sa akin ang inyong saloobin. Lubos itong makakatulong para sa akin. Maraming salamat sa inyo.



-Lolo Kiko




P.S Gusto ko magpasalamat sa nagtanong nito, papangalanan ko siyang Dra. Love, kung nabasa mo 'to maraming salamat sayo

Mga Katanungan sa Pag-ibig (Part III)



Sa dalawa kong blog ay napakasuccesful ng ganitong tipo na blog kaya heto na naman ako, ang limang tanong tungkol sa pag-ibig.


Q: Paano mo malalaman kung tama na? Kung karapatdapat pa ba siya ng pagmamahal ko?
A: Nasasaktan ka ba? Mali ba yung ginagawa mo? Nakakasakit ka na ba ng ibang tao? Ayaw ng parents mo? Kung oo ang mga sagot dito, mas maganda kapag tigilan mo na kasi dapat ang pag-ibig ay hindi nakakasakit ng ibang tao (mostly physically), ang love ay parang kamay, kamay na tumtulong, kamay na gumagawa ng tama at kung ang kamay mo ay ginamit mo upang manakit, dapat itigil mo na yun ganun lang naman kasimple kaya sana malaman mo kung karapatdapat pa ba yang pagmamahal na tinatawag mo.



Q: Bakit ang mga babae lang ang pinapaiyak?
A: I wanna laugh so hard right now pero kailangan ko maging composed; sana wag mo isipin na babae lang ang umiiyak, alam mo kung bakit di mo nakikitang umiyak ang lalaki pagdating sa pag-ibig? Kasi ayaw nila na makita ng ibang tao na mahina sila, na hindi sila yung taong akala ng lahat; pero sasagotin ko ang tanong mo, ang mga babae sa isang relasyon ay mas emosyonal at sensitive (good way 'to) kaya sa huli sila ang mas nasasaktan at mas umiiyak. Sana natuto ka sa sagot ko na iyan.


Q: Totoo po ba ang Destiny?
A: Ang tanong na to ay parang tanong ng: totoo ba na may forever? Yung professor ko nagsabi sa amin na "Forever is a concept made by people" so pwede natin sabihin na ang destiny ay gawa gawa lamang ng mga tao. Masarap isipin na totoo na may destiny at forever, they were made for that reason, sila'y ginagawa para masabi na masarap nga ang pagmamahal, na iniisip mo para mas sumaya ang pagtingin sa pag-ibig. Pero para sa akin wala, dahil wala namang kumokontrol ng buhay natin kung hindi tayo laman.


Q: Bakit kailangan may kailangan masaktan sa love?
A: Love is not all about fun, hindi love ang tawag kapag walang nasasaktan. Natural lang na may masaktan sa love tulad ng natural lang na may masaktan sa pagkatalo sa laro, hindi porket masaya ka dun ay hindi ka na masasaktan. In love, pain demands to be felt. Sakripisyo din pala ang dahilan kung bakit may nasasaktan sa love siguro nga ito rin ang puno't dulo ng mga taon nasaktan: sakripisyo nab binigay mo yung taong mahal mo sa bestfriend mo, sakripisyo na umalis para hindi lalong masaktan ang taong mahal mo. Ang mga sitwasyon na tino ang dahilan kung bakit may nasasaktan sa pag-ibig.


Q: Paano mo malalaman kung seryoso sayo ang isang chicboy?
A: Ang mga chicboy ay natural na mga sinungaling, napakahirap kung paano nga ba malaman pero sa aking pananaw ang mga chicboy ay hindi torpe kaya kung natotorpe sayo yung tao may posibilidad na seryoso nga siya sayo, pero baka hindi rin ito totoo kasi pwede din magpanggap na torpe ang isang tao kaya mag-ingat sa mga chicboy. Kung nalaman mo nga ang sagot sana naman sabihin mo sa akin kung paano nga ba malalaman.



At iyan na nga ang limang tanong tungkol sa pag-ibig, sana ay nakatulong ito papaano sa mga naguguluhan, sana nga ay kayo ay maliwanagan. (All questions may be entertained, kaya tanong lang kayo ng tanong)


-Lolo Kiko




Mga Katanungan sa Pag-ibig (Part II)




Dahil nagustuhan niyo ang aking blog na mga katanungan, ito nga ang mga sumusunod  na katanungan sa pag-ibig.


Q: Paano mo malalaman kapag umiibig ka na?
A: Itong tanong na 'to ay madali lang naman sagutan, may mga senyales din na may gusto ka nga sa isang tao. Hindi tulad ng tanong noon, itong tanong ay kung paano malaman kapag umiibig ka na hinid yung kung sino ang the one.

  • Puso - bumibilis ba ang tibok ng puso mo? Marahil nga ay may gusto ka sa kanya dahil kapag katabi ang ating minamahal ay kakabahan ka at bibilis ang tibok ng puso mo, ngunit yung kaba na 'yon ay nakakatuwa at tila ba parang gusto mong hindi matapos.
  • Isip - naiisip mo ba siya bago matulog? Pagkagising? Habang nanunuod ng pelikula tungkol sa pag-ibig? Dito mo nga masasabi na may gusto ka na nga doon sa tao.
  • Salita - nawawalan ka ba ng mga masasabi? nauutal ka ba sa harapan niya? di mo kayang i-express ang gusto mong ipahiwatig? siya ba yung madalas mong bukambibig? Congrats, dahil ikaw nga ay nagmamahal na.
Tatlo lamang ito sa mga madaming senyales ng pagmamahal, minsan ito rin ay maapply dun sa tanong na kung siya na nga ang the one.


Q: Nakakapagod ba magmahal?
A: Depende naman yan sa sitwasyon, pinagantay ka ba ng graduation para sagutin ka? Sinabi ba niyang babalikan ka niya pero di niya ginawa? Kung ganito ang sitwasyon talagang masasabi mong nakakapagod nga talaga magmahal, nakakapagod umasa, humiling, umiyak at magalit. Kaya naman kung ako sayo kung napapagod ka na tanungin mo lang yung tao kung itutuloy mo pa ba dahil sa huli ikaw lang din ang masasaktan ng paulit, ulit, ulit, ulit, ulit.

Q: Gaano kasakit ang mabasted?
A: Yung taong nagtanong nito sana mabasa mo 'to, napakasakit, yung taong binigay mo ang buong puso mo, buong oras, buong pagod, buong lahat tapos hindi niya masusuklian? Natry mo na bang mahulog sa 100 floor na building tapos buhay ka pa rin? Yung tipong masakit na mas maganda kapag hindi mo na lang naramdaman. Ganun kasakit.

Q: Anong feeling na mainlove?
A: Yung nagtanong nito ay isa kong kaibigan na hindi pa "raw" nakakaranas ng pag-ibig kaya sana mabasa mo. Masaya, malungkot, napakasarap ng pakiramdam, napakasakit, nakakabuhay ng loob, nakakapatay ng loob. Nagets mo? Kung hindi ganito yan, ang pag-ibig ay hindi masama pero hindi rin naitn masasabi na mabuti ito; nakakadulot ng mga emosyon na nagtatalo at nagkakagulo, hindi mo alam kung dapat sasaya o magiging malungkot. Yung taong nagtanong nito ay madali na lang sagutin ng sarili kapag naramdaman mo ito.


Q: Paano ba ako mamahalin pabalik ng taong gusto ko?
A: Magbago ka, magbago na mapapanin niya, bago na ikakatuwa niya, bago na makakapagkuha ng loob niya, bago na magugustuhan ka niya, bago namamahalin ka niya. Gets? Kaya magbago ka para sa kanya at kung sa tingin mo naman ay mabuti ka at hindi na kailangan magbago ay lapitan mo na lang siya at makipagkilala ka.


Q: Sino pipiliin ko? Taong mahal ko o taong nagmamahal sa akin?
A: Bago ako sasagot gusto ko lang magtanong sayo, bakit mo pinagiisipan yan? Kung mahal mo ang isang tao, without questions asked, alam mo na ang sagot diyan at iyan ay ang oo siya ang mahal ko siya ang pipiliin ko, pero dahil natanong mo yan baka naman nahuhulog ka na sa taong nagkakagusto sayo? Kung ganun man ang sitwasyon ay yun na lang ang puntahan mo dahil matuto kang mahalin siya dahil hindi mo lang alam na may gusto ka na pala sa kanya.


(Ang mga ibang tanong ay sasagutin ko sa susunod na blog ko. Sana magtanong pa kayo sa akin.) 


-Lolo Kiko


Mga Katanungan sa Pag-ibig



Sa pag-ibig madami tayong gusto itanong, madaming kaguluhan, madaming nakakalito at madaming hindi natin naiintidihan kaya ngayon itong blog na to ay para sa mga tanong na madalas na naririnig mo.


Q: Paano mo nga ba masasabi na siya na 'yong "The One"?
A: Sa totoo lang hindi natin masasabi na siya na nga ang taong para sa atin pero may mga senyales din na pwede magsabi na siya na nga katulad ng:
  • slow-mo effect - totoo ito, yung tipo mo parang bumabagal ang mundo na tila kayong dalawa lang ang nakakadama, na parang kayo lang ang nakakaalam.
  • fast-forward effect - kabaligtaran ng slow-mo effect ay ito rin ang senyales ng "the one" dahil sa pagsasama niyo ay hindi niyo namamalayan ang pagbilis ng oras.
  • metamorphosis - may mga bagay ba na hilig ng kasintahan mo na nakakasama sa kanya tapos bigla niya itong ititigil? Senyales yan dahil handa siyang magbago para lang sayo.
  • good effect - linalayo ka niya ba sa bisyo? pinapakilala ka niya ba sa magulang niya? nagrereview ba kayo ng sabay? pinapakilala ka ba sa Diyos niya? Ito marahil ang madalas di napapansin ng mga tao; ang pabutihin ka ng kasintahan mo ay isang senyales dahil ayaw ka niyang mapariwara sa tamang daan. 
Q: Paano mo ba mapapanatili kapag kayo na?
A: Kung nabasa mo ang blog ko tungkol sa LDR ay halos nandoon na rin ang sagot pero sa mga hindi nakakaalam ay madaming mmga bagay na pwedeng mas magpapatibay ng relasyon niyo, tulad ng: magbigay ng limitasyon na hindi nakakasakal (madaming mga obssesed na tao na nakakalimutan 'to kaya sa huli nagkakahiwalayan din lang), komunikasyon (dahil paano mo nga ba mapapanatili pag hindi naman kayo nag uusap?) at tiwala (dahil ito ang pinakakailangan).


Q: Bakit sa simula lang sweet ang isang lalaki?
A: Madali lang ang sagot niyan, hindi siya ang the one, dahil ang tunay na nagmamahal ay hindi nagsasawa na magpakita na mahal ka niya at kung ganun nga ang sitwasyon mo ay mabuti ng hiwalayan mo na yung taong yun.


Q: Sa love ba, first come, first served?
A: Hindi, dahil hindi porket ikaw na ang nauna, ikaw na ang karapatdapat, hindi porket na nag antay ka ng sabihin natin mga anim na taon ay ikaw na ang pipiliin niya. Wag maging kampante porket ikaw na ang nauna dahil sa pag-ibig ay hindi isang karerahan kundi isang palakasan.


Q: Mali ba magkagusto sa bestfriend mo?
A: Hindi dahil ang pag-ibig ay walang bawal mapalalake sa lalake, babae sa babae, bata sa matanda, matanda sa bata, panget sa maganda. Ngunit sana alalahanin natin na baka makatapak tayo ng ibang tao sa pag-ibig na ganito, o kaya nama'y makasama sa inyong taong minamahal.



At ito nga ang mga limang katanungan na ibinigay ng mga tao sa akin, sana ay makatulong ito sa inyo at sana magamit niyo ang mga payo ko. Maari kang magtanong pa sa akin (tungkol sa pag-ibig) at ito'y aking sasagutan. Magtanong lang sa aking twitter account na itsmejedi08 


-Lolo Kiko






Wednesday, October 14, 2015

Istorya V: How to Survive That Thing Called LDR


"Hindi ko kaya ang ganito na lang lagi" 


"Anong ibig mong sabihin, wag kang susuko dahil kakayanin natin 'to basta maniwala ka lang sa akin" 


Long distance relationship o mas kilala bilang sa kanyang abrebasyon na LDR ay isang tipo ng pag-iibigan kung saan ang dalawang magkasintahan ay magkalayo sa isa't-isa. Sa ganitong tipo ng relasyon ay hindi maiiwasan ang mga madalas na pagselos, away, gulo at minsan nauuwi sa hiwalayan. Dito sa blog na ito ay tatalakayin ko ang ideya ng LDR at kung papaano nga ba lagpasan ang ganitong uri ng pagsubok sa pag-ibig.



Sa mga libro o kaya naman ay pinapalabas sa TV, ang mga sitwasyon ng LDR ay naiitukoy; sa mga ganitong tipo ng istorya ay may pareparehas silang ideya at iyon nga ay ang madalas na pagbabangayan marahil nga dahil sila'y magkalayo. Ang mga kwentong ganito ay halos kasing pareho lang sa mga nangyayari sa mga paligidligid natin at hindi natin maiiwasang masabi na "Aba, napakadali lang yan", "Hindi naman mahirap yung maging LDR eh". Sa mga ganitong tipo ng tao ay dalawa lang ang ibig sabihin niyan: una, ay ang hindi pa nila nasusubukan ang ganitong tipo ng relasyon at pangalawa, hindi nila sineryoso yung kasintahan nila habang sila'y magkalayo. Ngayon, para sa mga naghahanap ng tulong tungkol sa ganitong tipo ng relasyon ay huwag mag-alala dahil ibibigay ko sa inyo ang "DO's and DONT'S" sa LDR


DOs

  • Komunikasyon - hindi dapat mawala ang importanteng aspeto na 'to, ito ang pinakamahalaga sa pagiging magkarelasyon. Kung mawala man ito ay hindi matatag ang pag-iibigan niyo.
  • Tiwala - sumunod sa kumonikasyon,kung wala ka namang tiwala sa iyong kasintahan ay mas mainam kapag naghiwalay din kayo sa simula pa lang. Mas mas masakit yun kapag pinaasa mo lang siya ng mas matagal dapat ay sa una pa lang dapat alam niya na.
  • Oras - walang mangyayare sa dalawang ito kapag hindi mo binibigyan ng oras ang taong mahal mo. Paano mo siya makakausap kapag wala kang oras sa kanya? Paano mo masasabing may tiwala kayo sa isa't-isa kapag hindi mo binibigyan ng pagkakataon na ipakita mo na may tiwala ka nga sa kanya.


DON'Ts
  • Wag mag hanap ng kapalit - kung nagkataon na biglang uminit ang iyong "mga nararamdaman" idaan mo ito sa ibang bagay, tulad ng pag-aaral o kaya ibaling ang atensyon sa mga bagay na ikakalimot yung mga hindi karapatdapat na nararamdaman. Ang pag-ibig ay hindi parang laruan na kapag di mo na pinakakakinabangan ay hindi mo bibigyan ng pansin.
  • Wag magsinungaling - sa mga kalalakihan, ang mga babae ay may nakatagong radar, hindi mo magagawang magsinungaling dahil malalaman at malalaman niya ito. Sa mga babae, ang mga lalaki ay may tropa, hindi mo din maiiwasang matago ang iyong kasinungalingan. Anong gagawin mo? Edi wag ka magsinungaling, ang hirap na nga lang ng ganitong uri ng relasyon, gagawa pa kayo ng rason para lang magkahiwalay kayo. 


Kaunti lang naman ang mga kailangan alalahanin diba? Hindi mo naman kailangan gumastos ng napakalaki ang kailangan mo lang ipakita na mahal mo siya at ikaw ay may tiwala sa kanya; mahalin mo siya ng buong puso na para bang walang distansiya, na para bang walang sagabal sa inyo. Sa huli, napakatamis ng gantimpala dahil wala ng 'sing tamis pa kung nakasama mo na ang taong mahal mo.


Sa totoo lang, ito lang naman ay ayon sa aking paningin, hindi kita pinipilit pero sana nama'y malaman mo ang mga ginagawa mo sana naman dapat hindi mo masasaktan ang taong mahal mo at sana din ay hindi ka din masaktan sa huli. Makinig lang sa mga payo ko at sa huli ay masasabihan mo din ako ng "maraming salamat"


-Lolo Kiko  



Tuesday, October 13, 2015

Istorya IV: Paano Mag move-on?


"Ayoko na, gusto ko na mag move on" 


"Napakasakit!" 


"Patulong naman mag move on oh?"


Isa sa mga problema ng mga umiibig ay ang mapait na katapusan ng pagmamahalan, sumunod doon ay ang tema nga sa alam ng karamihan ay ang "move on". Paano nga ba mag move on? Paano nga ba makalimot? Ang mga tanong na 'yan ay natural lang sa mga sawi sa pag-ibig. Sa mga payo kong ito ay hindi tiyak na ikaw nga'y makalimot at maka move on at ang mga ito ay payo lamang at hindi naman talaga kailangan sundan


Mga Paraan Kung Paano Mag move on



  1. Pagtanggap sa katotohanan - Ang katotohanan ay masakit at nakakainis lalo na pag ito'y nasama sa pag-ibig pero ito ang pinakaunang paraan para mag move on. Ang pagtanggap ng katotohanan ay hindi ibig sabihin na talo ka na, ang ibig sabihin nito ay malakas ka sa pagtanggap ng iyong talo at sinusubukan makabangon sa pagkabigo para magkakaroon ng mas masaganang pag-ibig sa susunod na panahon. 
  2. Lumayo ka sa mga bagay na nakakapag-alala sa kanya - Hindi ka makakamove on kapag lagi mo siyang nakikita at nakakasama, ang paglayo ay natural na paraan para makamove on sabi nga nila ang pagtakbo ay natural na gawain ng mga tao. Kalimutan mo na din ang mga bagay na nagbabalik sa mga memorya niyo, yung park na pinagdate niyo? Wag ka ng dumaan dun, theme song niyo? Delete mo na sa cellphone mo; sa paggawa ng mga ganito ay isang hakbang para sa mga taong nagmomove on.
  3. Mahalin mo ang sarili mo - imbis na ibigay sa iba ang pagmamahal mo, kailangan mo munang bigyan pansin ang iyong pangsariling kapakinabangan. Dapat huwag kakalimutan ang pagmamahal sa sarili, sa ganitong paraan hindi mo na maalala ang iyong nakaraan na pag-ibig dahil nga may pokus ka sa sarili mo at hindi sa iba. Mahalin mo ang sarili mo para mabaling ang atensyon mo sa iyong sarili at kung anong mga bagay ang pwede mong hasaain at ayusin sa iyong ugali at pati na rin sa pisikal na kaanyuan.
  4. Ibaling ang atensyon - Mahilig sa DOTA? Laro ka muna, may mga tropa ka ba? Lakwatsa kayo o maglibang libang, mahilig sa anime? Nuod ka muna; Ang mga ganito ay makakatulong dahil nga naiibaling mo ang atensyon mula sa kanya papunta sa iba na sana nama'y nakakatulong sa iyo kahit papapaano.

*PAALALA!
           -ANG PAG INOM NG ALAK O KAYA NAMA'Y PAGPAPAKAMATAY AY HINDI SAPAT NA RASON DAHIL LANG NASAKTAN KA DAHIL NGA ANG IYONG GINAGAWA AY ANG PAGTAKBO SA IYONG PROBLEMA, KAILANGAN MO ITONG HARAPIN NG BUONG PUSO.


Sa lahat ng ito, nasa sa iyo din namang ang desisyon para mag move on ka nga ba o hindi, sa huli ayon pa rin sayo ang desisyon. Ang pagmamahal nga nama'y hindi puro saya, ang tunay na pag-ibig ay nakakasakit at ito ang totoo kailangan mo lang din ang limang antas ng pagkakawala : PAGTANGGI, GALIT, BARGAING, PAGKALUNGKOT, AT ANG PANGTANGGAP. Kapag ito'y iyong  naranasan na, dito mo lang masasabi na ikaw nga ay malaya na sa nakaraan. Ang pag momove on nga naman ay napakahirap at hindi mo rin ito magagawa ng mag isa lamang, maganda din kapag humihingi ka ng mga tulong sa iba at maglabas ng sama ng loob. 


-Lolo Kiko

Friday, October 9, 2015

Istorya III: Ang Bandwagon Effect sa Pag-ibig

"Oh my gosh ang gwapo ng character na 'to sa story"

"Badboy naman yan eh, pangit yan"


"Mas maganda pag badboy eh, mas masarap magmahal" 


Sa mga nobela, sa teleserye, sa Wattpad, sa mga pelikula at sa lahat madalas tayo makakita ng karakter na "badboy" at madalas sila ang nakakatuluyan ng bidang babae at dun natatapos ang istorya pero yamot na yamot ako sa mga istorya na 'to dahil hindi nabibigyan ng katarungan ang mga lalake na "good guys" dahil sila yung talunan, isang ekstra para madagdagan ng kulay ang kwento. Hindi ako naiinis sa mga manunulat o kaya direktor na ganito ang kanilang kwento dahil karamihan ng mga magagandang pelikula, libro at iba pa ay madalas na gamitin ang mga lalakeng misteryoso at magulo, narito ako ngayon upang magbigay alam sa inyo na binobola tayo ng mga ganitong kwento at dapat ay hindi natin tularan at gayahin.



Sa panahon ng kabataan ngayon mas hilig nila ang mga lalaking palaban, basagulero at yung mga tipo na nakakatakot ang dahil nga sa ating napapanuod, nababasa at nakikita tulad na lamang ng mga ganitong ehemplo:


  • Diary ng Panget
  • She's Dating the Gangster
  • Vampire Diaries
  • Relaks, It's Just Pag-ibig
Lima lamang ito sa dinami dami ng pagkakataon na ginamit ang bad boy para maging katuluyan ng babae at alam mo ang kinaiinis ko? Yan ay ang mga pagpili din ng mga babae sa mga ganoong mga tao   at naiiwan ang mga matitino at maayos na lalaki para maging kanilang "ekstra"sa kanilang buhay.


Madalas sabihin ng mga babae nga na kapag badboy ay mas masarap magmahal at sila ang mga "knight in shining armor" ng mga babae pero hindi ba nila naisip na pwede rin iyong gawin ng mga lalaking matitino? Porket hindi nakikipag away mahina na? Porket hindi chicboy di na marunong magmahal? Ang mga ganitong pag-iisip ay nakakayamot at dapat niyong ayusin ang inyong mga opinyon tungkol sa mga bagay bagay. Sa dami ng babae ang nagkakagusto sa mga badboy tila nagiging "bandwagon effect" at ang mga lalaking matino sa buhay  ay nauubusan ng mga babaeng nagmamahal sa kanila ng totoo at seryoso. 


Hindi porket badboy ay siya na ang dapat iyong piliin, wag niyong ibase ang totoong buhay sa mga istorya na nababasa niyo, isa itong panloloko at sana'y makita niyo ang aking punto. Pero sa huli kayo lang din naman ang pipili kung badboy nga ba o good guy, nasa sa iyo ang desisyon pero itong blog a to ay upang palawakin lang ang iyong pag-iisip lalong lalo na sa pag-ibig.

-Lolo Kiko

Thursday, October 8, 2015

Mga Sinyales na May Gusto Sa'yo ang Isang Tao

         


                Natanong ako minsan ng isa kong kakilala na "Lolo, paano mo nga ba malalaman kung may gusto sa akin yung babae?" Sa tinagal tagal ng aking taon dito sa mundo, halos lahat ng mga senyales ay alam ko na at nais ko lang ito ibahagi sa inyo. ANG MGA SENYALES NA MAY GUSTO NGA SIYA SAYO!



PARA SA MGA KALALAKIHAN

     Sa mga lalaki, napakahirap malaman kung ano nga ba ang mga senyales ng babae dahil magugulo sila mag-isip at halos lahat hindi mo maiintindihan sa kanila (no offense, peace tayo diyan) pero sabi ko nga "halos" lahat lang naman ang alam ko at ang mga ito'y akin ng naranasan at ito na nga:

  • Madalas kang kausapin - kung kumpara sa lahat ng lalake ikaw ang madalas na kinakausap ng babae may posibilidad na may gusto nga siya sa iyo dahil bakit niya kakausapin ang mga lalaking hindi naman pasok sa kanyang radar (kung pasok ka edi aba, ang pogi mo chong!) 
  • Tinatanong ang lahat tungkol sayo - ang mga babae ay natural na mga imbestigador at dapat lahat alam nila katulad na lamang ng mga ehemplo na ito: naka ilan ka ng gf, mga paborito mo (pagkain, kulay, kanta etc.), ilan anak ang gusto mo paglaki (totoo 'to, promise!) at marami pang ibang tanong.
  • Hindi makatingin ng deretso - korny pero totoo! Kahit na malatomboy yan o kaya yung pinakatahimik sa klase, kapag hindi sayo makatingin may posibilidad din (depende na lang kung may sore eyes ka!) Ang mga babae ay mabilis sa conscious sa kanilang pisikal na kaanyuan kaya hindi sila madalas makatingin sa mata niyo! 
  • Madalas kang tulungan at madalas nagpapatulong - kung concern na concern sayo ang babae at kung madalas siyang mag patulong ay senyales din ng pagkagusto. Mahilig silang mag panggap na "damsels in distress", kung may mga pagkakataon na nagpaparinig siya ng "Gosh, ang lamig" "Ang hirap naman nito" kaya pag ganyan ang sinasabi niya sayo ay nagpapapansin sayo yung babae, kaya basahin mo ng maigi ang sitwasyon.
  • Pansinin mo ang mga kaibigan - ah yes! ang mga pahamak na mga kaibigan ang pinakamalaking senyales na may gusto nga siya sayo dahil kanino pa ba siya magsasabi ng kanyang mga sikreto, diba? Kung hindi sa kanyang mga kaibigan at kung madalas siyang tuksuin o kaya may lalapit sayo na isang kabarkada niya at nagsasabi ng mga ganito : "Oy, may gusto sayo si Kris!" "Pinapatanong ni Aly kung may gf ka daw" kapag ganito ang mga naririnig mo ay may gusto nga siya sayo.

Pero lahat ng ito'y dapat pareparehas na nangyare, hindi mo pwedeng sabihin na may gusto siya sayo kapag isa lang ang napansin mo sa limang senyales na 'to kaya ingat ingat at baka umasa ka lang sa wala mga chong! Masakit ang ganun! #asadongsiopao #assumingmuch#<//3

PARA SA MGA KABABAIHAN
Sa mga kababaihan, madaming mga senyales ang binibigay ng mga lalaki pero pag uusapan ko ang mga tipo ng lalake na torpe   dahil sila minsan ang mahirap mahanapan ng mga senyales. 

  • Eye Contact - di tulad sa babae, ang mga lalaki ay madalas na tumingin sa babae kapag may gusto sayo. Lalo na kapag mag-isa ka lang, kung napapansin mong pasulyap sulyap siya sa iyo, bonus point din na kapag mahuhuli mong nakatingin siya ay ilalayo niya agad ang kanyang tingin sayo.
  • Body Contact - kung madalas ka niyang suntukin ng mahina sa braso, o kaya sundot sundot sa iyong tiyan o kaya sa braso, ang pagkurot at ang pagpisil ng pisngi. Ang mga ganito ay madalas mong makikita sas mga lalaking may gusto at kapag nararanasan mo ang mga ganito ay congrats 'te, may gusto siya sayo, ganda mo!
  • Bigla nag iba ang hilig niya - anong ibig sabihin nito? Madali lang, kung mahilig ka sa bandang The Script o kaya mahilig ka sa teleserye, tapos bigla niya itong gagayahin, mapapansin mo na lang kinakanta niya na ng malakas ang mga liriko ng kanta o kaya bigla kang kakausapin tungkol sa teleserye na napanuod niya. 
  • Pick-up lines/jokes - mahilig ka ba niyang lokohin? asarin? madalas ba siyang nag pipick-up lines? narinig mo na ba ang "Uy, crush kita syempre joke lang"? Ang mga lalaki ay tinatago ang kanilang nararamdaman at ang mga jokes na yan ang kanilang medium para sabihin sa inyo ang kanyang nararamdaman. 
  • Pansinin mo ang kanyang mga kaibigan - tulad ng sa lalaki, ganito din ang madalas na senyales ng pagkagusto. Ang mga kaibigan ay natural na pahamak sa mga ganitong sitwasyon at kapag madalas kang asarin sa kanya ay natural meron nga yun.

Tulad ng sa lalaki, ang mga ito ay dapat mong mapansin para lang masabi mo na may gusto nga sayo yung tao, kapag isa lang ang nakita mo sa mga ganitong senyales ay baka umasa ka lang sa huli. Ang mga ito'y ehemplo lang at hindi puwang na katotohanan kaya minsan dapat ating sinusuri ang sitwasyon para di masaktan at makasakit.


-Lolo Kiko

Tuesday, September 29, 2015

Istorya II: Sonang Pangkaibigan


"Oy, mahal kita....


*OMG ito na!! Aamin na siya sa akin!!* <3



... as a friend siyempre! I loove you bestfriend!"



Sonang pangkaibigan o mas sikat sa pangalan na "Friendzone"; Ito yung ispesyal na lugar kung saan karamihan sa mga tao ay nabibilang madalas sila din yung mga kasama sa tropa ng "Hanggang Tingin" na asa aking unang blog. Sabi nga nila na ang pag-ibig ay nagsisimula sa pagiging magkaibigan hanggang sa lumalim ang mga nararamdaman sa isa't isa ngunit may mga pagkakataon na minsan hindi tayo nakakawala sa pagiging pagkakaibigan lang dahil sa mga ganitong rason:



  • Takot mabasted - sa mga taong walang tiwala sa sarili na ayaw masaktan, totoo ito at ang tanging payo ko lamang sa inyo ay lakasan mo ang loob mo, hindi mo lang alam baka inaantay ka lang niya gumawa ng "first move" 
  • Takot na baka masira ang pagiging pagkakaibigan - sa totoo lang hindi ko maintindihan ang mga ganitong tao, masyado kayong nag iisip! Sa pag-ibig dapat puso ang gamit hindi utak pero dapat pag pantayin mo lang. Ang mga ganitong tao ay ubod ng kaduwagan! Mga aking tagabasa walang kwenta ang pag-ibig kapag wala kang gingawa tungkol dito!
  • Family Friend - aba delikado ka kapag ganito! Lalo na kapag tropa si erpats niyo! Kapag ganito then kailangan mong lakasan ang loob mo (x10 dapat as in toda max!) pero kapag hindi mo kaya then wala akong mapapayo sayo kung hindi ang mag move on na lang,
Sa pag-ibig dapat magtake ka ng risks kasi kung isa ka lang duwag edi hindi ka rin karapat-dapat sa taong iniibig mo.Dapat ang laging isinasaisip mo ay ang mga katagang: "Kaya ko 'to" "Hindi ako susuko" "Mahal ko siya at lahat ay gagawin ko para sa kanya"  kapag ang mga ito ay madalas mong sinasabi mo sa isip mo ibig sabihin ay hindi aka duwag  at isa ka ng graduate ng "Sonang Pangkakaibigan" dahil ang tunay na magkaibigan ay mananatilin magkaibigan hanggang huli.


Tuesday, August 25, 2015

Istorya I:Hanggang Tingin

"Pre, lapitan mo na kasi"

"Ano ka?! Edi mas lalong di ko makakausap yun noh?"

"Iss bahala ka diyan,pag ikaw di gumalaw mauunahan ka"

Ilang beses na nga ba natin narinig ang mga ganitong kataga? Yung tipong nakakarindi na sa tenga at gasgas na sa pandinig. Itong ang mga madalas natin marinig sa mga taong walang tiwala sa sarili nila, yung mga taong pinangungunahan ng kanilang takot at ayun tatahimik na lang sa tabi tapos kapag naunahan  andun sa mmay sulok kala mo namatayan ng kapamilya.

Sa totoo lang madali lnag naman ayusin ang ganitong problema sa pag-ibig eh iyon ay lunukin mo yang pride mo (sama mo na yung Ariel para masaya) at harapin mo ang taong nais mong makausap. Sabi nga ni Newton: "A body at rest will remain at rest unless an external force is applied."  Yan pati Physics tinuturuan tayo kung papaano magmahal ang ibig sabihin lang naman nito ay wala mangyayare sa pag-dadamoves mo kapag mismong ikaw walang ginagawa? Ano yun? Aasa sa himala? Mga apo, walang himala (credits to Nora Aunor) kaya kung ako sa inyo simulan niyo ng gumalaw.

Sa mga kababaihan na nagbabasa ng blog na 'to kala niyo mga lalaki lang ang mga hanggang tingin? Mali! kasi kayong mga babae ang lubos na dapat nagbabasa nito, ang dahilan? Kasi kayo ay mga babae wala ng ibang dahilan pa.Ang mga babae ay parang gumamelang blooming at dapat kayoý inaalagan pero paano pag kayo ang hindi pinapansin? Paano pag di kayo gumamela kundi bulaklak ng kalabasa? Hanggang tingin lang? ABA! DAPAT HINDI! (Pero pwede din) Sa panahon natin ngayon ang mga hindi gumagalaw ay naiiwan ng oras kaya kayong mga babae dapat agad agad niyong sinasabi 'pag may gusto kayo sa isang lalake,aba malay mo, nag aantay lang kami mag bigay kayo ng motibo o kaya signs para kami ay manligaw kaya dapat galaw galaw din hindi puro kaming mga lalake kasi unfair yun para sa amin.

Iho't iha, walang mangyayare sa mga tumutunganga ano yun hanggang tingin lang? Ayaw niyo bang mapunta sa inyo ang inyong napupusuhan? Kung oo edi move, vamonos! Ang pag-ibig ngayon sa panahon niyo ay unahan, minsan lang dumating ang isang babaeng tunay at maganda o kaya lalaking pogi at hindi bali ang old school ay laos na, tapos na yun eh ano 'to? 80's?! Wag pangunahan ng kaba umamin na kung kailangan,manligaw na kung gusto basta wag ka lang sa mga taong asa tropa ng "Hanggang Tingin" 

-Lolo Kiko