Dahil nagustuhan niyo ang aking blog na mga katanungan, ito nga ang mga sumusunod na katanungan sa pag-ibig.
Q: Paano mo malalaman kapag umiibig ka na?
A: Itong tanong na 'to ay madali lang naman sagutan, may mga senyales din na may gusto ka nga sa isang tao. Hindi tulad ng tanong noon, itong tanong ay kung paano malaman kapag umiibig ka na hinid yung kung sino ang the one.
- Puso - bumibilis ba ang tibok ng puso mo? Marahil nga ay may gusto ka sa kanya dahil kapag katabi ang ating minamahal ay kakabahan ka at bibilis ang tibok ng puso mo, ngunit yung kaba na 'yon ay nakakatuwa at tila ba parang gusto mong hindi matapos.
- Isip - naiisip mo ba siya bago matulog? Pagkagising? Habang nanunuod ng pelikula tungkol sa pag-ibig? Dito mo nga masasabi na may gusto ka na nga doon sa tao.
- Salita - nawawalan ka ba ng mga masasabi? nauutal ka ba sa harapan niya? di mo kayang i-express ang gusto mong ipahiwatig? siya ba yung madalas mong bukambibig? Congrats, dahil ikaw nga ay nagmamahal na.
Tatlo lamang ito sa mga madaming senyales ng pagmamahal, minsan ito rin ay maapply dun sa tanong na kung siya na nga ang the one.
Q: Nakakapagod ba magmahal?
A: Depende naman yan sa sitwasyon, pinagantay ka ba ng graduation para sagutin ka? Sinabi ba niyang babalikan ka niya pero di niya ginawa? Kung ganito ang sitwasyon talagang masasabi mong nakakapagod nga talaga magmahal, nakakapagod umasa, humiling, umiyak at magalit. Kaya naman kung ako sayo kung napapagod ka na tanungin mo lang yung tao kung itutuloy mo pa ba dahil sa huli ikaw lang din ang masasaktan ng paulit, ulit, ulit, ulit, ulit.
Q: Gaano kasakit ang mabasted?
A: Yung taong nagtanong nito sana mabasa mo 'to, napakasakit, yung taong binigay mo ang buong puso mo, buong oras, buong pagod, buong lahat tapos hindi niya masusuklian? Natry mo na bang mahulog sa 100 floor na building tapos buhay ka pa rin? Yung tipong masakit na mas maganda kapag hindi mo na lang naramdaman. Ganun kasakit.
Q: Anong feeling na mainlove?
A: Yung nagtanong nito ay isa kong kaibigan na hindi pa "raw" nakakaranas ng pag-ibig kaya sana mabasa mo. Masaya, malungkot, napakasarap ng pakiramdam, napakasakit, nakakabuhay ng loob, nakakapatay ng loob. Nagets mo? Kung hindi ganito yan, ang pag-ibig ay hindi masama pero hindi rin naitn masasabi na mabuti ito; nakakadulot ng mga emosyon na nagtatalo at nagkakagulo, hindi mo alam kung dapat sasaya o magiging malungkot. Yung taong nagtanong nito ay madali na lang sagutin ng sarili kapag naramdaman mo ito.
Q: Paano ba ako mamahalin pabalik ng taong gusto ko?
A: Magbago ka, magbago na mapapanin niya, bago na ikakatuwa niya, bago na makakapagkuha ng loob niya, bago na magugustuhan ka niya, bago namamahalin ka niya. Gets? Kaya magbago ka para sa kanya at kung sa tingin mo naman ay mabuti ka at hindi na kailangan magbago ay lapitan mo na lang siya at makipagkilala ka.
Q: Sino pipiliin ko? Taong mahal ko o taong nagmamahal sa akin?
A: Bago ako sasagot gusto ko lang magtanong sayo, bakit mo pinagiisipan yan? Kung mahal mo ang isang tao, without questions asked, alam mo na ang sagot diyan at iyan ay ang oo siya ang mahal ko siya ang pipiliin ko, pero dahil natanong mo yan baka naman nahuhulog ka na sa taong nagkakagusto sayo? Kung ganun man ang sitwasyon ay yun na lang ang puntahan mo dahil matuto kang mahalin siya dahil hindi mo lang alam na may gusto ka na pala sa kanya.
(Ang mga ibang tanong ay sasagutin ko sa susunod na blog ko. Sana magtanong pa kayo sa akin.)
-Lolo Kiko
No comments:
Post a Comment