Tuesday, October 13, 2015

Istorya IV: Paano Mag move-on?


"Ayoko na, gusto ko na mag move on" 


"Napakasakit!" 


"Patulong naman mag move on oh?"


Isa sa mga problema ng mga umiibig ay ang mapait na katapusan ng pagmamahalan, sumunod doon ay ang tema nga sa alam ng karamihan ay ang "move on". Paano nga ba mag move on? Paano nga ba makalimot? Ang mga tanong na 'yan ay natural lang sa mga sawi sa pag-ibig. Sa mga payo kong ito ay hindi tiyak na ikaw nga'y makalimot at maka move on at ang mga ito ay payo lamang at hindi naman talaga kailangan sundan


Mga Paraan Kung Paano Mag move on



  1. Pagtanggap sa katotohanan - Ang katotohanan ay masakit at nakakainis lalo na pag ito'y nasama sa pag-ibig pero ito ang pinakaunang paraan para mag move on. Ang pagtanggap ng katotohanan ay hindi ibig sabihin na talo ka na, ang ibig sabihin nito ay malakas ka sa pagtanggap ng iyong talo at sinusubukan makabangon sa pagkabigo para magkakaroon ng mas masaganang pag-ibig sa susunod na panahon. 
  2. Lumayo ka sa mga bagay na nakakapag-alala sa kanya - Hindi ka makakamove on kapag lagi mo siyang nakikita at nakakasama, ang paglayo ay natural na paraan para makamove on sabi nga nila ang pagtakbo ay natural na gawain ng mga tao. Kalimutan mo na din ang mga bagay na nagbabalik sa mga memorya niyo, yung park na pinagdate niyo? Wag ka ng dumaan dun, theme song niyo? Delete mo na sa cellphone mo; sa paggawa ng mga ganito ay isang hakbang para sa mga taong nagmomove on.
  3. Mahalin mo ang sarili mo - imbis na ibigay sa iba ang pagmamahal mo, kailangan mo munang bigyan pansin ang iyong pangsariling kapakinabangan. Dapat huwag kakalimutan ang pagmamahal sa sarili, sa ganitong paraan hindi mo na maalala ang iyong nakaraan na pag-ibig dahil nga may pokus ka sa sarili mo at hindi sa iba. Mahalin mo ang sarili mo para mabaling ang atensyon mo sa iyong sarili at kung anong mga bagay ang pwede mong hasaain at ayusin sa iyong ugali at pati na rin sa pisikal na kaanyuan.
  4. Ibaling ang atensyon - Mahilig sa DOTA? Laro ka muna, may mga tropa ka ba? Lakwatsa kayo o maglibang libang, mahilig sa anime? Nuod ka muna; Ang mga ganito ay makakatulong dahil nga naiibaling mo ang atensyon mula sa kanya papunta sa iba na sana nama'y nakakatulong sa iyo kahit papapaano.

*PAALALA!
           -ANG PAG INOM NG ALAK O KAYA NAMA'Y PAGPAPAKAMATAY AY HINDI SAPAT NA RASON DAHIL LANG NASAKTAN KA DAHIL NGA ANG IYONG GINAGAWA AY ANG PAGTAKBO SA IYONG PROBLEMA, KAILANGAN MO ITONG HARAPIN NG BUONG PUSO.


Sa lahat ng ito, nasa sa iyo din namang ang desisyon para mag move on ka nga ba o hindi, sa huli ayon pa rin sayo ang desisyon. Ang pagmamahal nga nama'y hindi puro saya, ang tunay na pag-ibig ay nakakasakit at ito ang totoo kailangan mo lang din ang limang antas ng pagkakawala : PAGTANGGI, GALIT, BARGAING, PAGKALUNGKOT, AT ANG PANGTANGGAP. Kapag ito'y iyong  naranasan na, dito mo lang masasabi na ikaw nga ay malaya na sa nakaraan. Ang pag momove on nga naman ay napakahirap at hindi mo rin ito magagawa ng mag isa lamang, maganda din kapag humihingi ka ng mga tulong sa iba at maglabas ng sama ng loob. 


-Lolo Kiko

No comments:

Post a Comment