Thursday, October 15, 2015
Ang Katotohanan Tungkol kay Lolo Kiko
Habang nagbabasa ng mga tanong mula sa "Mga Katanungan Tungkol sa Pag-ibig" , may nagtanong sa akin ng napakahirap na tanong. Napaisip ako ng napakatagal at gusto ko lang ito ibahagi sa inyo sana nama'y ibigay niyo ang inyong opinyon tungkol dito sa ideya na 'to.
Isang sitwasyon lang ang binigay niya sa akin at ito nga 'yon: ang iyong kasintahan dati ay hanggang ngayon mahal mo pa din pero umalis siya papuntang sa malayong lugar, ngunit biglang nagpakita sa 'yo ang isang taong dati mong minahal pero nawala na pero habang patagal ng patagal nahuhulog uli ang loob mo sa kanya pero alam mo sa sarili mo na mas mahal mo yung taong lumisan. Ngayon, ang tanong, sino ang pipiliin mo? Ang taong malayo sayo pero mahal mo o yung taong malapit sayo na mahal na mahal ka?
Sa unang basa ng tanong alam ko na agad ang sagot ko, yun nga ay ang piliin ang taong malapit sayo dahil siya yung nandiyan para sayo diba? Pero sinabi niya sa akin ang isang napakalaking punto na nakalimutan ko: "Ayaw mo ba yung true love? Iba kasi yung saya na makukuha mo yung taong talagang mahal na mahal mo. Kung ihantulad sa grade? Ano ang gusto mo 85? Pero hindi ba mas masaya kapag 95?" Sa pagbasa nito para akong sinuntok sa sikmura, tama nga siya, bakit ko hindi pinili yung tao kung saan ako mas sasaya kapag nakuha ko siya, hindi ba mas masaya paghirapan at makuha mo ito sa huli?
Sa huli, hindi nagbago ang isip ko pero ang sagot ko sa kanya ay baka ikagalit ng mga tao dahil ang totoo ay isa akong tao na makasarili, ayokong masaktan, ayokong umiyak, ayokong umasa ng paulit ulit. Tapos na ako sa kakaiyak, na masaktan at umasa. Gusto ko maging masaya agad agad, gusto ko na maramdaman din na mahalin dahil tao lang ako, ayokong masaktan; pero ito ay aking opinyon lamang, sa mga tagasubaybay ng aking blog ay sana masabi niyo sa akin ang inyong saloobin. Lubos itong makakatulong para sa akin. Maraming salamat sa inyo.
-Lolo Kiko
P.S Gusto ko magpasalamat sa nagtanong nito, papangalanan ko siyang Dra. Love, kung nabasa mo 'to maraming salamat sayo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment