"Hindi ko kaya ang ganito na lang lagi"
"Anong ibig mong sabihin, wag kang susuko dahil kakayanin natin 'to basta maniwala ka lang sa akin"
Long distance relationship o mas kilala bilang sa kanyang abrebasyon na LDR ay isang tipo ng pag-iibigan kung saan ang dalawang magkasintahan ay magkalayo sa isa't-isa. Sa ganitong tipo ng relasyon ay hindi maiiwasan ang mga madalas na pagselos, away, gulo at minsan nauuwi sa hiwalayan. Dito sa blog na ito ay tatalakayin ko ang ideya ng LDR at kung papaano nga ba lagpasan ang ganitong uri ng pagsubok sa pag-ibig.
Sa mga libro o kaya naman ay pinapalabas sa TV, ang mga sitwasyon ng LDR ay naiitukoy; sa mga ganitong tipo ng istorya ay may pareparehas silang ideya at iyon nga ay ang madalas na pagbabangayan marahil nga dahil sila'y magkalayo. Ang mga kwentong ganito ay halos kasing pareho lang sa mga nangyayari sa mga paligidligid natin at hindi natin maiiwasang masabi na "Aba, napakadali lang yan", "Hindi naman mahirap yung maging LDR eh". Sa mga ganitong tipo ng tao ay dalawa lang ang ibig sabihin niyan: una, ay ang hindi pa nila nasusubukan ang ganitong tipo ng relasyon at pangalawa, hindi nila sineryoso yung kasintahan nila habang sila'y magkalayo. Ngayon, para sa mga naghahanap ng tulong tungkol sa ganitong tipo ng relasyon ay huwag mag-alala dahil ibibigay ko sa inyo ang "DO's and DONT'S" sa LDR
DOs
- Komunikasyon - hindi dapat mawala ang importanteng aspeto na 'to, ito ang pinakamahalaga sa pagiging magkarelasyon. Kung mawala man ito ay hindi matatag ang pag-iibigan niyo.
- Tiwala - sumunod sa kumonikasyon,kung wala ka namang tiwala sa iyong kasintahan ay mas mainam kapag naghiwalay din kayo sa simula pa lang. Mas mas masakit yun kapag pinaasa mo lang siya ng mas matagal dapat ay sa una pa lang dapat alam niya na.
- Oras - walang mangyayare sa dalawang ito kapag hindi mo binibigyan ng oras ang taong mahal mo. Paano mo siya makakausap kapag wala kang oras sa kanya? Paano mo masasabing may tiwala kayo sa isa't-isa kapag hindi mo binibigyan ng pagkakataon na ipakita mo na may tiwala ka nga sa kanya.
DON'Ts
- Wag mag hanap ng kapalit - kung nagkataon na biglang uminit ang iyong "mga nararamdaman" idaan mo ito sa ibang bagay, tulad ng pag-aaral o kaya ibaling ang atensyon sa mga bagay na ikakalimot yung mga hindi karapatdapat na nararamdaman. Ang pag-ibig ay hindi parang laruan na kapag di mo na pinakakakinabangan ay hindi mo bibigyan ng pansin.
- Wag magsinungaling - sa mga kalalakihan, ang mga babae ay may nakatagong radar, hindi mo magagawang magsinungaling dahil malalaman at malalaman niya ito. Sa mga babae, ang mga lalaki ay may tropa, hindi mo din maiiwasang matago ang iyong kasinungalingan. Anong gagawin mo? Edi wag ka magsinungaling, ang hirap na nga lang ng ganitong uri ng relasyon, gagawa pa kayo ng rason para lang magkahiwalay kayo.
Kaunti lang naman ang mga kailangan alalahanin diba? Hindi mo naman kailangan gumastos ng napakalaki ang kailangan mo lang ipakita na mahal mo siya at ikaw ay may tiwala sa kanya; mahalin mo siya ng buong puso na para bang walang distansiya, na para bang walang sagabal sa inyo. Sa huli, napakatamis ng gantimpala dahil wala ng 'sing tamis pa kung nakasama mo na ang taong mahal mo.
Sa totoo lang, ito lang naman ay ayon sa aking paningin, hindi kita pinipilit pero sana nama'y malaman mo ang mga ginagawa mo sana naman dapat hindi mo masasaktan ang taong mahal mo at sana din ay hindi ka din masaktan sa huli. Makinig lang sa mga payo ko at sa huli ay masasabihan mo din ako ng "maraming salamat"
-Lolo Kiko
No comments:
Post a Comment