"Badboy naman yan eh, pangit yan"
"Mas maganda pag badboy eh, mas masarap magmahal"
Sa mga nobela, sa teleserye, sa Wattpad, sa mga pelikula at sa lahat madalas tayo makakita ng karakter na "badboy" at madalas sila ang nakakatuluyan ng bidang babae at dun natatapos ang istorya pero yamot na yamot ako sa mga istorya na 'to dahil hindi nabibigyan ng katarungan ang mga lalake na "good guys" dahil sila yung talunan, isang ekstra para madagdagan ng kulay ang kwento. Hindi ako naiinis sa mga manunulat o kaya direktor na ganito ang kanilang kwento dahil karamihan ng mga magagandang pelikula, libro at iba pa ay madalas na gamitin ang mga lalakeng misteryoso at magulo, narito ako ngayon upang magbigay alam sa inyo na binobola tayo ng mga ganitong kwento at dapat ay hindi natin tularan at gayahin.
Sa panahon ng kabataan ngayon mas hilig nila ang mga lalaking palaban, basagulero at yung mga tipo na nakakatakot ang dahil nga sa ating napapanuod, nababasa at nakikita tulad na lamang ng mga ganitong ehemplo:
- Diary ng Panget
- She's Dating the Gangster
- Vampire Diaries
- Relaks, It's Just Pag-ibig
Lima lamang ito sa dinami dami ng pagkakataon na ginamit ang bad boy para maging katuluyan ng babae at alam mo ang kinaiinis ko? Yan ay ang mga pagpili din ng mga babae sa mga ganoong mga tao at naiiwan ang mga matitino at maayos na lalaki para maging kanilang "ekstra"sa kanilang buhay.
Madalas sabihin ng mga babae nga na kapag badboy ay mas masarap magmahal at sila ang mga "knight in shining armor" ng mga babae pero hindi ba nila naisip na pwede rin iyong gawin ng mga lalaking matitino? Porket hindi nakikipag away mahina na? Porket hindi chicboy di na marunong magmahal? Ang mga ganitong pag-iisip ay nakakayamot at dapat niyong ayusin ang inyong mga opinyon tungkol sa mga bagay bagay. Sa dami ng babae ang nagkakagusto sa mga badboy tila nagiging "bandwagon effect" at ang mga lalaking matino sa buhay ay nauubusan ng mga babaeng nagmamahal sa kanila ng totoo at seryoso.
Hindi porket badboy ay siya na ang dapat iyong piliin, wag niyong ibase ang totoong buhay sa mga istorya na nababasa niyo, isa itong panloloko at sana'y makita niyo ang aking punto. Pero sa huli kayo lang din naman ang pipili kung badboy nga ba o good guy, nasa sa iyo ang desisyon pero itong blog a to ay upang palawakin lang ang iyong pag-iisip lalong lalo na sa pag-ibig.
-Lolo Kiko
-Lolo Kiko
No comments:
Post a Comment